MANILA, Philippines — Pumanaw na ang tanyag na bokalista ng legendary rap metal/metalcore group na Slapshock, ayon sa mga ulat na lumabas ngayong Huwebes.
Ayon sa ulat ng The STAR, natagpuang walang buhay ang katawan ni Jamir Garcia sa Lungsod ng Quezon. Siya ay 43-anyos lamang.
Lead singer of OPM heavy metal band Slapshock Jamir Garcia found dead in Quezon City. | via Manny Tupas pic.twitter.com/IDoSulM3vj
— The Philippine Star (@PhilippineStar) November 26, 2020
Ang nasabing report ay kinumpirma na rin ng Quezon City Police District (QCPD), ayon sa ulat ng DZRH ngayong araw. Wala pa namang pahayag ang kanyang dating mga kabanda kaugnay ng insidente.
Oktubre 2020 pa lang nang mag-disband ang banda matapos diumano hainan ng kasong "estafa" at "qualified theft" ni Jerry Basco, gitarista ng Slapshock, ng kasong si Jamir.
Basahin: Slapshock to reportedly disband after 23 years
May kaugnayan: 'This is how SLAPSHOCK disbanded': Bassist bares alleged years of 'friction,' embezzlement
Ang pagbubuwag sa grupo ay kinumpirma na rin ng kanilang bassist na si Lee Nadela noong buwan ding iyon.
Bumuhos naman ang pakikiramay sa social media dahil sa pagkawala ng naturang Pinoy metal legend, na siyang namayagpag noong dekada '90 at 2000s.
"The MYX Philippines team extends our deepest sympathies to the loved ones of Slapshock frontman Jamir Garcia," ayon sa tanyag na music channel na MYX.
"A fierce performer on stage, Jamir was one of the nicest and humblest rockstars we’ve had the pleasure of working with. He will truly be missed in the OPM band scene."
The MYX Philippines team extends our deepest sympathies to the loved ones of Slapshock frontman Jamir Garcia. A fierce performer on stage, Jamir was one of the nicest and humblest rockstars we’ve had the pleasure of working with. He will truly be missed in the OPM band scene. pic.twitter.com/kY7PCTG7YG
— MYX Philippines (@MYXphilippines) November 26, 2020
Matatandaang sumikat ang kanyang grupo sa mga awitin gaya ng "Angent Orange," "Wake Up," "Misterio," "Direction" at marami pang iba na naging paboritong awitin ng maraming tagasunod ng Nu Metal at metalcore scene sa Pilipinas. — may mga ulat mula kay The STAR/Manny Tupas