Bangkok, mas murang puntahan

Grabe ang epekto ng malakas na lindol sa Thailand.
Lalo na sa mga napapanood na video nung pag-collapse ng isang ginagawang government building sa Chatuchak.
Ang Chatuchak Market ang paboritong pasyalan ng mga turista sa Thailand kabilang na ang mga Filipino.
Ayon pa naman sa pinakabagong ulat ng Euromonitor International, ang Bangkok ang most visited city sa buong mundo noong 2024.
Ang dami kasi talagang bumibiyahe rito dahil sa masasarap na pagkain at magagandang pasyalan pero halos pareho sa Manila ang klima at kapaligiran sa Bangkok.
Haven ito ng mahihilig mag-shopping.
Saka mura ang airfare at maging ang hotel.
Most of the time, mas mura pang bumiyahe sa Bangkok kesa sa Siargao or Palawan kaya mas pinipili ng maraming kababayan natin na mamasyal doon kesa sa saratiling lugar natin dahil sa pamasahe sa eroplano. Naka-abroad ka pa.
Anyway, ang balita sa kasalukuyan ay daan-daang mga Thai ang kinatatakutang wala nang buhay dahil sa pagbagsak ng ginawang building.
Ganundin sa Myanmar na malaki rin ang epekto ng 7.7 magnitude na lindol.
- Latest