Supporters ni Digong, pinakakalma ni Bato

MANILA, Philippines — Sa kabila nang paghimok niya sa sambayanang Pilipino na labanan ang panghihimasok ng International Criminal Court (ICC) sa pagpapatupad ng hustisya sa bansa, nanawagan naman si Senator Ronald “Bato” Dela Rosa sa mga tagasuporta ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte na maging kalmado at kontrolin ang kanilang emosyon.
Ayon kay Dela Rosa, nakadidismaya ang kawalan ng hustisya para mga mamamayang Pilipino ng kasalukuyang administrasyon, na ito pa mismo ang lumalabag umano sa kapakapanan ng mga mamamayan nito.
“We’re very much divided. Mabuti sana kung ang division ay 50-50! Ako hindi ako statistician pero alam ko ang division ay nasa 80-20. 80 tayo, 20 lang sila! Pero ‘yung 20 na ‘yan, sila ang may hawak ng poder ng gobyerno kaya tayong otsenta, kaya tayong majority, tahimik lang ang mga tao dahil nagtitimpi lang ang mga tao,” pahayag ng Mindanaoan lawmaker.
“Ako po’y nakikiusap sa inyo na kahit kayo’y galit na galit na, kahit kayo’y nanggigigil na ng husto diyan dahil sa inhustisya na ginagawa nila, ako pa rin ang nakikiusap sa inyo, I am appealing for your sobriety. Sana kalma lang tayo,” wika ni Dela Rosa.
Nanindigan si Dela Rosa, na dati ring naging chief ng Philippine National Police (PNP) na ilegal ang ginawang pag-aresto kay Duterte partikular ang kawalan ng hurisdiksyon sa bansa ng ICC.
- Latest