^

PSN Showbiz

John Lapus muntik mabaliw, nagalit sa sarili!

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
John Lapus muntik mabaliw, nagalit sa sarili!
John Lapus

Parang maba­baliw si John Lapus nang sumadsad ang kanyang selfconfidence dahil sa kawalan ng trabaho ng ilang buwan.

Bukod sa bagsak na selfconfidence, kinuwestyon din niya ang Diyos kung ba’t ganun ang nangyayari sa kanya.

“Bakit wala akong trabaho?’ Tapos no’ng time na ‘to, nakalimutan ko na may pinagdaraanan nga pala ang showbiz at pelikula. May pinagdaraanan ang show business ‘di ba? Kaunti ‘yong pino-produce na pelikula, kaunti ang pino-produce na TV shows. Noong time na ‘yon, hindi ko naman naisip ‘yon. So, ang feeling ko lang ay—I started questioning myself. Masama ba akong tao? Hindi ba ako magaling? Bakit wala akong trabaho? I started to compare myself with others—’oh bakit ‘yan? Sobrang ‘yoko d’yan. Bakit ‘yan may trabaho [tapos] ako wala?’ Tumaas ang insecurity ko, I lost my growth—kapag tumataas ang insecurity ko, ‘yong self-confidence ko [ay] nawawala e,” paglalahad ni Sweet pagkatapos ng mediacon ng Delia D musical noong nakaraang Marso 13, 2025, Huwebes, sa The Grand Bar and Lounge ng Newport World Resorts.

Kaya naman ramdam niya na umabot na siya sa ma­tinding depression. “My God, feeling ko depression na ‘yon. Nalungkot talaga ako.”

Anong ginawa mo? Gaano katagal mo na-feel ‘yan?

“Nanonood na lang ako ng Netflix—March ako nawalan ng trabaho e. Yeah, It started in July. Akala ko birthday blues lang. Hindi s’ya nawala no’ng August, September, Octorber, November— tuluy-tuloy, ‘di ako makatawa.”

Paano ka naka-recover?

“So, finally—siguro in a way na answered prayer din. Sabi ko, ‘Lord, bigay mo na ‘ko ng gagawin kasi maba­baliw [na] ako.’  Nagdasal ako. Umiiyak ako [tuwing] gabi, habang nagdarasal. Sabi ko, ‘Lord, ano bang nangyayari? Ang dami mong ibinigay sa akin na talent, wala naman [akong] paggagamitan,’ ‘di ba? At saka, for the first time in my life, hindi ko nako-compute—dati, nako-compute ko. Maski noong pandemic, nako-compute ko ano [ang] next kong gagawin. Na-compute ko na, ‘Oh, okay. Feeling ko kapag nagka-vaccine na, ito [ang] next move ko’ na-compute ko.

“Ito hindi ko na-compute. Ang pinakamalala, sinisisi ko ‘yong sarili ko—na tumanda na ko, ‘sandali, teka, hindi ko naman kasalanang tumatanda tayo’, hindi ba? For the first time in my life, si John Lapus na napaka-confident na tao, bine-blame ko ang sarili ko [kung] bakit wala akong regular na trabaho last year. ‘Yong self -pity naging galit sa sarili,” mahaba-haba niyang kuwento sa amin ni Jerry Olea.

At nagpapasalamat siya sa mga kaibigang hindi bumitiw sa kanya at sumuporta sa kabila ng kanyang kawalan ng trabaho.

“Thank God, ‘yung mga kaibigan ko kilalang-kilala ako. So, pupunta ang mga bakla sa bahay. Magto-tongits kami, mag-iinuman. Masaya na ‘ko. Paminsan, aayain nila ako [para] mag-out of town kami sa Batangas. Manonood kami ng sine. Basta kailangan lalabas. Alam na nila, alam nila na kapag mag-isa lang ako, nangyayari ‘tong mga thoughts—mga dark thought na ‘to sa utak ko. So ‘yong mga kaibigan ko, hindi naman [nila] ako pinabayaan,” dagdag na pahayag pa ni John na kilala sa tawag na Universal Sweet sa showbiz.

Hanggang dumating ang pagkakataon na nagkita sila ni Jonathan Manalo dahil pina­planong gawing musical ang pelikulang Here Comes The Bride the Bride (2010) kung saan isa siya sa mga artista.

“May mga anak-anakan akong ipu-produce siya, so mineet namin si Chris Martinez at si Jonathan Manalo,” pagbabalik-alaala ni Sweet.

“Si Jonathan Manalo ang gagawa ng mga kakantahing original. Nabanggit ito ni Jonathan Manalo. ‘Uy, Sweet, yung mga songs ko, gagawing musical ng Newport.’

“Sabi ko, ‘Ah talaga?! Ano’ng istorya?’ ‘Ay, naku, parang may mga bakla. Baka may role ka.’ ‘Ahh OK, sige, pag nabalitaan ko,’ sabi ko pang ganyan.

“Siguro few weeks after, nakita ko sa Facebook. Parang announcement for the musical featuring the songs of Jonathan Manalo, ganyan-ganyan.

“Minessage ko si Dexter [Santos]. Matagal ko nang kaibigan at kasamahan ko sa Dulaang UP si Direk Dexter.

“Sabi ko, ‘Dexter, ikaw din ba ang magdidirek nitong kay Jonathan Manalo?’ ‘Oo.’ ‘Sabi niya kasi, bagong baklaan, baka may role ako?’

“Sabi lang ni Dexter, ‘Ay! Inaantay pa namin yung final script from Direk Dolly Dulu and Rody Vera.’

“The week after, ambilis ng pangyayari. The week after, ‘Hi, this is the production manager. We’d like to invite you for a reading,” mahabang salaysay pa ni John.

So, okay ka na ngayon? Naka-recover ka na?

“Instantly, ‘yong sinabi sa’kin na “we would like to offer you…’ Kinagabihan, may kinseng bakla sa bahay. Nag-inuman kami, nagparty kami, nagcelebrate. Tapos, alam n’yo habang tumatawa umiiyak ako, tears of joy. Alam n’yo ‘yon, in an instant, in that few minutes, nagread ako, in-offer-ran ako, [sabi ko] ‘valuable pa rin pala ako, talented pa [rin] pala ako’. Bumalik lahat,” pagkukuwento pa niya.

Pero paano ka naka-survive financially during that time?

“Hindi naman ako magastos na tao. So kapag wala akong gagawin, hindi ako lumalabas ng bahay.”

May mga ipon ka naman? May mga investment ka?

“Mayroon naman, awa ng Diyos. Kaya lang, to be honest, medyo—one year na wala akong kumbaga show as a director or as an actor .”

Inamin niya ring naaksidente siya.   “Nabangga kasi ako. [Pero] binigay naman no’ng bangko ‘yong insurance. Hindi ako bumili agad, usually ibibili mo agad. Pero natatakot ako. Paano ‘yong monthly? Andoon na nga iyong insecurity ko. Nong September, ano ako nabangga, September, October ako nabangga.”

Hindi naman dumating sa point na naging desperate ka na? Like, suicidal?

“Hindi naman suicidal. Inaamin ko, ‘dati umabot ako sa ganyan pero ngayon hindi naman. Despair, ‘di ko alam anong gagawin ko, hindi ko alam saan ako pupunta, nanghihina ako, umiiyak ako tuwing gabi. Nagdarasal ako habang umiiyak, ‘Lord, ang dami mong ibinigay na talent sa akin [pero] bakit wala akong trabaho? Anong gagawin ko?”

“Noong araw, sa ABS may walong soap opera, sabay-sabay nagte-taping. Ako, na-experience ko ‘yong dalawang show ko segue, segue. Noong araw, ang pelikula ko sa isang buwan [ay] tatlo, apat, o lima. Naexperince ko ‘yong sa isang buwan dalawang pelikula ang sino-shooting ko.”

Ngayon ba okay na okay ka na? Stable ka na? Financially, mentally…

“Again, ako ay may ipon naman talaga. So, after nitong Delia D, siguro kailangan magkaroon na ako ng regular job whether as an actor or director sa TV. Kinausap ko na ang Star Magic na after the Delia D, na again, alam niyo naman na maliit lang ang makukuha ko rito. Ang pinakaimportante,  exposure—pero number two na lang ang exposure. Dahil sa Delia D, bumalik ang self confidence ni John Lapus. ‘Yong desperation ko nawala instantly. Myself worth, bumalik. ‘Shet, importante ka pa rin, magaling ka pa rin, bakla. Don’t lose hope’, ayan ang ibinigay ng Delia D para sa akin,” pahabol pa niyang kuwento sa naitulong sa kanya ng Delia D.

Available na ang tickets for Delia D.: A Musical Featuring the Songs of Jonathan Manalo at TicketWorld, HelixPay, and Newport World Resorts Box Office.

Ang halaga ng tiket ay PHP 3,500 (SVIP), PHP 3,000 (VIP), PHP 2,500 (GOLD), PHP 1,800 (SILVER), at PHP 1,000 (BRONZE).

For inquiries, contact Customer Care at 7908-8888 or 0917-872-8237.

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->