Mga pagkain para gumanda
![](https://www.philstar.com/images/authors/1805275.jpg)
ANG wrinkles ay dulot ng pagkabawas ng collagen at elastin epekto ng pag-edad. Ang mga anti-oxidants tulad ng vitamin A, C, E at selenium ay depensa sa free radicals na sumisira ng mga selula. Narito ang mga pagkain para gumanda:
1. Ang vitamin A o beta carotene ay para sa pagsasaayos o repair ng body tissue at proteksyon sa damage na dulot ng araw. Mga pagkaing mayaman sa vitamin A o beta carotene ay kamote, karots, kalabasa, kamatis, bayabas, letsugas, mangga at kangkong.
2. Ang vitamin C ay tumutulong sa paggawa ng collagen at proteksyon sa free radicals. Mayaman sa vitamin C ang bayabas, mangga, kalamansi, dalandan, sili, melon, strawberry, okra, pinya, papaya at pakwan.
3. Ang vitamin E ay proteksyon ng cell membrane. Taglay ito ng abokado, mani, red bell pepper, mangga, papaya, broccoli, at tomato paste.
4. Kailangan ang selenium para sa posibleng proteksyon sa pinsala ng araw. May selenium ang talaba, tilapia, laman ng baka, hipon, brown rice, pitso ng manok, itlog, kabute, de latang tuna.
5. Kailangan ang zinc para mapanatili ang collagen at maiwasan ang pamumula, pagbabalat, pagkakaroon ng nana o impeksyon sa balat. Kumain ng talaba, baka, tenderloin o laman ng baboy, peanut butter, kasoy, mani, walnuts, at green peas.
6. Ang omega 3 fatty acids ay proteksyon sa pinsala ng araw. Ang mga pagkaing mayaman sa omega 3 ay sardinas, dilis, tawilis, hasa-hasa, alumahan, galunggong, tamban, walnuts, talaba, seaweeds o nori.
7. Uminom ng sapat na tubig para at kumain ng mga prutas at gulay na matubig tulad ng pakwan, papaya, pineapple, peppers, melon, mangga, kalamansi, dalandan, broccoli, Karots, cauliflower, letsugas, kabute at kalabasa.
8. Puwede rin ang tsaa dahil meron itong polyphenols, antioxidant at tubig.
9. Piliin ang dark chocolate dahil ang cacao ay may anti-oxidant na flavonoids at pampasaya pa.
10. Ang lato o seaweeds o nori ay may phytonutrients para sa balat, buhok at kuko. Mayroon ding iron, iodine, zinc, omega 3 fatty acid at selenium.
- Latest