Quezon City resto obligadong maglagay ng calorie count sa pagkain
MANILA, Philippines — Obligado na ngayon ang mga restaurants sa Quezon City na maglagay ng calorie counts matapos lagdaan ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang Implementing Rulles and Regulations sa calorie labeling ordinance ng lungsod.
Ayon kay Belmonte, sa ordinansa na magiging epektibo sa Disyembre 2025 para sa lahat ng mga food establishments na may lima o higit pang branches sa lungsod, kinakailangan na mag-display ng calorie counts sa mga menu.
Ani Belmonte, isang paraan ito na matulungan ang mamamayan na mabigyan ng impormasyon sa pagpili ng pagkain.
“Sa pamamagitan ng hakbang na ito, mas magiging empowered na ang ating mga residente dahil kapag may calorie count labels na sa mga menu ng mga restaurant, may kapangyarihan ang QCitizen na pumili ng masustansyang pagkain. Dahil sa tamang impormasyon, maisusulong din natin ang isang lungsod na prayoridad ang pangangalaga sa kalusugan,” ani Belmonte.
Sinabi naman ni Quezon City Health Department Head Dr. Ramona Asuncion DG Abarquez, dapat nakalagay ang calorie counts sa printed o electronic menu boards.
Exempted naman sa ordinansa ang mga barangay micro businesses, micro, small, and medium enterprises tulad ng ambulant vendors, hawkers, at carinderia owners.
- Latest