^

Probinsiya

11 na patay sa dengue sa Kabikolan

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

LEGASPI CITY, Albay, Philippines - Nakababahala ang mataas na kaso ng dengue ngayong taon sa Kabikolan matapos na makapagtala ang DOH-Bicol Center for Health Development ng 163 porsyentong pagtaas habang 11-katao na ang namatay dahil sa kagat ng lamok.

Sa pulong balitaan kahapon ng DOH-Bicol CHD sa pangunguna ni Director lll Dr.Rosa Maria Rempillo, Dr. Aurora Teresa Daluro, hepe ng regional epedemiology and surviellance unit at health preparedness and response unit at John Dominic Bolunia, regional coordinator ng infection disease cluster, inihayag na simula Enero 1 hanggang Oktubre 26, 2024 ay pumalo na sa 2,408 ang dengue cases sa buong rehiyon at 11-katao na ang namatay.

Tumaas ngayong taon ang kaso sa 163 porsyento kumpara noong 2023 sa parehong peryodo na 916 lamang habang 5 naman ang nasawi.

May pinakamaraming naitala ay sa lalawigan ng Camarines Sur na may 1,144 na kaso habang 5 ang nasawi mula sa Naga City-2, Milaor-1, Bula-1,Nabua-1; Camarines Norte-416 kaso; Catanduanes-361 na may 2-nasawi na mula sa bayan ng Virac; Sorsogon-211 na may 3-nasawi kung saan dalawa sa Sorsogon City at isa sa Irosin; 160 kaso sa Albay na may Isang nasawi mula sa Legazpi City; 111 sa Masbate City; lima naman ang tinamaan ng nasabing sakit na mula sa ibang lugar at sa Bicol lang na-admit.

Ayon kay Bolunia, isa sa dahilan ng pagtaas ng kaso ng dengue sa rehiyon ay dahil sa mga pag-ulan.

Mahigpit pa rin nilang inirerekomenda ang paglilinis sa paligid, paghanap at pagtaob ng posibleng pamugaran ng lamok na may dalang dengue, agarang pagpapatingin sa doktor, at fogging.

DOH

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with