91 doktor, nurse, health worker dineploy sa Bicol
MANILA, Philippines — Nasa 91 doktor, nurse at health worker ang ipinadala sa Bicol Region bilang karagdagan ng health emergency response teams (HERTs) para tumulong sa mga mamamayang apektado ng pananalanta ng bagyong Kristine, ayon sa Department of Health (DOH) kahapon.
“Disaster response systems for health are working and in place. DOH joins the conveyor belt of aid directed by President Marcos Jr. to Bicol and elsewhere it is needed. We are serious when we say,”bawat buhay mahalaga’-wala talagang maiiwan,” ani Health Secretary Teodoro Herbosa.
Aniya, 39 na doctor at nurse ang nagtungo sa Naga City General Hospital sakay ng C130, habang ang 52 pang health workers ay sa Bicol Region General Hospital and Geriartric Medical Center (BRGHGC) sa pamamagitan ng land travel sa Cabusao, Camarines Sur.
Kasama rin sa convoy ng mga bus na ipinadala ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang mga ambulansya ng DOH na may dalang standard equipment, mga gamot at medical supplies.
Kabilang sa augmentation staff ang mga miyembro ng World Health Organization-recognized Philippine Teams (PEMAT) mula sa Jose B. Lingad Memorial General Hospital ng Pampanga, Dr. Jose N. Rodriguez Memorial Hospital and Sanitarium ng Manila, at Eastern Visayas Medical Center ng Tacloban City. Kasama rin ang mga health workers ng East Avenue Medical Center ng Quezon City, Amang Rodriguez Memorial Medical Center, San Lorenzo Ruiz General Hospital, Tondo Medical Center at Valenzuela Medical Center.
- Latest