Mojdeh pasok sa World Cup
MANILA, Philippines — Babanderahan ni Micaela Jasmine Mojdeh ang national swimming team na sasabak sa prestihiyosong 2024 World Aquatics (WA) Swimming World Cup na idaraos sa tatlong magkakahiwalay na venues.
Isa si Mojdeh sa 16 swimmers na nagkwalipika matapos ang isinagawang qualifying event ng Philippine Aquatics Inc. kamakailan sa Rizal Memorial swimming pool.
Masaya ang buong Behrouz Elite Swimming Team (BEST) sa panibagong tagumpay na naabot ni Mojdeh partikular na sa kanyang kauna-unahang torneo sa seniors division.
Maningning ang juniors campaign ni Mojdeh na nakapasok sa semifinals ng World Juniors Swimming Championships noong 2022 sa Lima, Peru habang bumasag ito ng national junior record sa parehong world meet noong 2023 sa Netanya, Israel.
“She always has good news happening on her on my birthday. In 2022, she made it to the semis World Juniors then broke PH junior record in 2023. Now she finally made it to Philippine National Team. Step by step towards your goal. One step at a time,” ani BEST team manager Joan Mojdeh na ina ni Micaela Jasmine.
Nakapasok si Mojdeh matapos makalikom ng 690 WA points.
“As she now steps into her first competition as a national team on her 18th year and bid her last year in the junior national team. We are having mixed emotions but more excited for her,” dagdag ni Joan.
Nagpasalamat ito sa lahat ng mga tumulong kay Micaela Jasmine sapul noong nagsisimula pa lamang ito partikular na sa yumaong Philippine Swimming League (PSL) president na si coach Susan Papa gayundin sa mga kasalukuyang coach nito na si veteran mentor Sherwyn Santiago.
- Latest