^

Metro

Binata kulong sa bomb joke

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Inaresto ang isang binata makaraang magpa-kawala ng hindi magandang biro ukol sa bomba habang papasok sa isang mall sa Caloocan City, noong Sabado ng gabi.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Presidential Decree 1727 o batas na nagbabawal sa pagsasagawa ng anumang biro ang suspek na si Haroeh Lagat, 20-anyos, factory worker at residente ng Malabon City.

Sa inisyal na ulat, papasok sa isang mall sa may JP Rizal Avenue Extension si Lagat kasama ang mga barkada dakong alas-7:00 ng gabi nang magbiro umano ito na may bomba ang kanyang backpack bag habang iniinspeksyon ang kanilang mga gamit ng nakatala-gang guwardiya.

Dito tumawag ng res­ponde ang security ng naturang mall dahilan para rumesponde ang mga tauhan ng Special Reaction Unit (SRU) ng Caloocan City Police.

Nagkaroon pa ng ma-igsing habulan hanggang sa makorner si Lagat sa may bahagi na ng Monumento Circle.

Aminado naman ang suspek na nagbiro siya ngunit hindi umano sa guwardiya ngunit sa kanyang kasamahan na sinabihan niya na baka may dalang bomba.

BOMB JOKE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with