^

PSN Palaro

Pacquiao gustong umukit ng kasaysayan bilang unang senador na naging world boxing titlist

Pilipino Star Ngayon
Pacquiao gustong umukit ng kasaysayan bilang unang senador na naging world boxing titlist
Si Manny Pacquiao sa kanyang grand arrival sa Las Vegas, Nevada.

LAS VEGAS – Masa­rap sa pandinig ni Manny Pac­quiao ang katawagang “world champion senator”.

Sinabi ni Pacquiao na ang bagay na nagpa­palakas sa kanyang loob na talunin si Jessie Vargas dito sa Linggo ay ang ma­kapagsulat ng kasaysayan bilang unang Senador na nag­wagi ng korona.

“I’m so interested to win convincingly and get the belt because this is my first fight since being elected as senator,” wika ng 37-anyos na si Pacquiao sa mga reporters sa isang sesyon kahapon sa Wynn Las Vegas, kung saan niya ginawa ang kanyang grand arrival.

Nakatatak na ang pa­nga­lan ng Filipino sa boxing history matapos magkampeon sa walong weight classes.

At tila hindi pa siya tapos magsulat ng kasaysayan.

Para kay Pacquiao, ang suot na WBO welterweight belt ni Vargas ay parang isang kumikinang na ginto.

At gusto niya itong iuwi sa Pilipinas matapos ang kanilang laban ni Vargas sa Thomas & Mack Center.

“For me this is going to be a historic fight, another record in boxing history,” wi­ka ni Pacquiao.

Ngunit tiniyak ni Vargas na hindi ito basta-basta ma­agaw sa kanya ni Pacquiao.

“We’re here to keep the belt,” wika ni Dewey Cooper, ang chief trainer ni Vargas.

Bagama’t gutom si Pac­quiao sa panalo ay mas determinado naman si Vargas na mapanatiling suot ang kanyang korona.

“Never underestimate the heart of a young, lion champion,” sabi ni Coope sa kanyang American kickboxer at boxer.

Ito ang magiging come­back fight ni Pacquiao ma­tapos magretiro noong Ab­ril kung saan niya tinalo si Timothy Bradlery, Jr. via unaninous decision sa ka­nilang ikatlong paghaharap. (Dino Maragay)

vuukle comment

MANNY PAC­QUIAO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with