5 bagay na maaari mong gawin sa P1M! Maaari nang magkatotoo sa promo na ito

MANILA, Philippines — Sa panahon ngayon, mas nasusubok ang mga Pilipino sa araw-araw na pamumuhay dala ng mga tumataas na gastusin. Kailangan kumayod at magsipag nang doble—maging sa trabaho, raket o maliit na negosyo—para matugunan ang mga pangangailangan ng mga mahal sa buhay.
Ang maaaring sagot sa mga pagsubok na kinahaharap ng mga karaniwang Pilipino ay ang halagang isang milyong piso. Pero, hindi madaling makamit ito at nanatiling pangarap na lamang sa karamihan.
Kung ikaw ay papalaring makapag-uwi ng tumataginting na P1 million, ano nga ba ang mga nararapat mong gawin dito?
1. Bayaran ang mga utang
Isa ng realidad sa bansa ang pangungutang kapag nagigipit. Pero sa kasamaang palad, marami rin ang nababaon sa utang dahil sa iba’t ibang kadahilanan.
Upang makapagsimula ng walang inaalalang atraso sa iba, unahin mong bayaran ang mga pinagkakautangan. Mula rito, mas makakapagpasya ka ng tama kung saan mo ilalaan ang matitira sa P1 million.
2. Mag-negosyo
Sa P1 million, maaari ka ng magsimula ng sarili mong negosyo gaya ng food franchise. Nirerekomenda ng Moneymax.ph ang franchising dahil isa itong sound business model. Bukod sa may brand recall na ang mga food franchises, mas mura din ito kumpara sa pagbuo ng sarili mong negosyo.
Iba-iba rin ang investment prices ng mga food franchise businesses sa bansa pero maraming pagpipilian sa halagang P500,000 pababa gaya ng Mister Donut, Ate Rica’s Bacsilog, Master Siomai, Rice in a Box atbp.
Kung nais mo namang tumaya at kumita rin ng mas malaki, merong mga food franchise sa halagang P500,000 pataas gaya ng Potato Corner, Minute Burger, Moonleaf Tea Shop, The Shawarma Shack atbp.
3. Kumuha ng investment
Kung ikaw ay isa ng milyonaryo, maganda ring maglaan para sa iba’t ibang investments tulad ng stocks o mutual funds. Mainam na lumapit sa bangko para kumausap ng mga eksperto sa ganitong larangan at para na rin maiwasang ma-scam.
4. Edukasyon
Tunay na magandang gamitin ang P1 million para sa hinaharap. Bukod sa investments, maganda ring kumuha ng educational plan para sa iyong anak.
Ang educational plan ay savings, insurance at investment plan in one, na magbibigay ng lump sum o payout pagkatapos ng lima hanggang sampung taon, depende sa iyong napili.
Ikaw ay magiging kampante dahil may kalayaan na ang iyong anak na pumili ng kanyang kurso sa nais niyang unibersidad o kolehiyo.
5. Mag-loan ng bahay
Kung dati ay nangungupahan ka lamang, ngayon maaari ka ng kumuha ng housing loan at magkaroon ng sarili mong tahanan.
Mula sa P1 million, meron ka ng sapat na halaga para mag-downpayment ng condo unit o house and lot. Ang balanse ay maaari mong hulugan sa bangko o sa PAG-IBIG.
Sa ganitong paraan, hindi mauubos ang iyong isang milyon sa pagpapatayo o pagbili lamang ng bahay.
Easy ang swerte sa TM EasyRaffle
Ngayong 2025, subukan ang iyong swerte at baka ikaw na ang isa sa mananalo ng P1 million mula sa TM EasyRaffle promo!
Madali lamang sumali mga ka-TeaM! Magload ng kahit anong TM promo at meron ka ng raffle entry!
- Una, mag-register sa TM EasyRaffle via text. I-text ang "EASYRAFFLE" sa 8080 at hintayin ang text confirmation.
- Pagkatapos, mag-ipon ka na ng raffle entries. Mag-register lamang sa iba’t ibang TM promos sa mga valid channels: *143#, sari-sari stores, GlobeOne app o GCash app.
At alam mo ba, doble agad ang entries kapag sa GlobeOne o GCash app ka bumili ng promo!
Magkakaroon ng 20 winners of P50,000 kada linggo for 12 weeks at isang winner ng P1 million kada buwan for three months.
Tumataginting na P15 ang total prizes na ipamimigay ng TM, at mula dito, maaari ka ng maging instant milyonaryo. Kaya instant sagot sa kahirapan at instant katuparan ng iyong mga pinapangarap!
Huwag ng mag-atubili! Sumali na sa TM EasyRaffle promo via SMS o via app sa GlobeOne at GCash.
Maging updated sa TM. Follow @tmtambayan sa Tiktok, Instagram, at Facebook. Para sa iba pang kaalaman, pumunta sa tmtambayan.ph. #TMEasyRaffle #TeaMTayo
Editor’s Note: Ang article na ito para sa TM ay hindi saklaw ng editorial guidelines ng Philstar.com.
- Latest