^

PM Sports

Rain or Shine puwede pa sa ‘twice-to-beat’ bonus

John Bryan Ulanday - Pang-masa
Rain or Shine puwede pa sa ‘twice-to-beat’ bonus
Kinuyog nina Keith Datu at Jhonard Clarito ng RoS si NorthPort import Kadeem Jack.
PBA Image

MANILA, Philippines — Nakapuwersa ng ka­rambola sa tuktok ng stan­dings ang Rain or Shine matapos panisin ang primerang NorthPort, 127-107, upang manati­ling nasa kontensyon ng ‘twice-to-beat’ incentive sa 2024-2025 PBA Commissioner’s Cup kahapon sa PhilSports Arena sa Pasig City.

Pitong players ang nagtulung-tulong sa double digits para sa Elasto Painters na umangat sa 6-3 kartada para makatabla ang Meralco, Ginebra at guest team Hong Kong Eastern sa No. 3 seed pa­pasok sa homestretch ng 13-team single-round eliminations.

Ga-hibla ang ang ha­habulin ng ROS sa lider na TNT Tropang Giga (5-2) pati na sa sumegundang NorthPort katabla ang Converge bitbit ang kapwa 7-3 baraha.

Nadale ng foul trouble ang import na si Deon Marshall Thompson su­balit hindi pa rin napigilan sa paghakot ng 27 points, 11 rebounds, 2 assists at 2 blocks.

Umakbay sa kanya si Adrian Nocum na naglista ng 16 points, 10 rebounds at 7 assists, habang may parehong 16 markers si Santi Santillan.

Hitik pa ang nakatambal nila sa balanseng atake ng RoS tampok ang 13, 12, 11 at 10 points nina Andrei Caracut, Anton Asistio, Keith Datu at Beau Belga, ayon sa pag­kakasunod.

Nagawa ito ng mga ba­taan ni coach Yeng Guiao matapos ang nagbabagang 33-18 ratsada sa first quarter at 62-44 sa halftime tungo sa panalo.

Walong puntos lang ang pinakamalapit na inabot ng NorthPort buhat noon, 56-64, sa simula ng third quarter matapos ang 12-2 na balikwas ba­go bu­husan ng RoS ito ga­mit ang isang 20-5 birada para mabawi ang manibela sa 84-61.

Lumamang pa ng hanggang 25 points ang RoS na naiganti ang dalawang sunod na pagkatalo kontra sa Phoenix at Converge.

Hindi napigilan ng RoS ang super import na si Kadeem Jack na ku­ma­­mada ng halimaw na 39 points, 11 rebounds, 1 assist, 3 steals at 2 blocks at sina Arvin Tolentino at Jo­shua Munzon lang ang nakatulong niya na may 19 at 17 markers, ayon sa pagkakasunod.

Sa kabila nito ay nahirapan ang dalawang super scorers ng Batang Pier.

 

PBA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with