^

PSN Palaro

GAP itinanghal na NSA of the Year

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Dahil sa matagumpay na kampanya nito sa nakalipas na taon, karapat-dapat na tanghaling National Sports Association (NSA) of the Year ang Gymnastics Association of the Philippines (GAP) sa gaganaping PSA Awards Night sa Enero 27 sa Manila Hotel.

Nangunguna na sa listahan ang matagumpay na kampanya nito sa 2024 Paris Olympics kung saan humakot ito ng dalawang gintong medalya.

Galing ito kay Carlos Yulo na kumana ng gintong medalya sa men’s vault at floor exercise para ma-ging kauna-unahang Pinoy atleta na naka-double gold sa Olympics.

Kasama ni Yulo sa kampanya sina Aleah Finnegan, Emma Mala-buyo at Levi Jung-Ruivivar na unang mga Pinay na sumabak sa Olympics sapul noong 1964.

Matatandaang sina Evelyn Magluyan at Maria Luisa Floro ang huling mga female gymnasts na sumalang sa 1964 Tokyo Olympics.

Makakasama ng GAP sa mga awardees si Yulo na siyang kikilalaning Athlete of the Year sa prog­ramang co-presented ng ArenaPlus, MediaQuest at Cignal.

Inaasahang personal na tatanggapin ni GAP president Cynthia Carrion ang parangal.

Nauna nang itinanghal na NSA of the Year ang Samahang Weightlifting ng Pilipinas, Samahang Basketbol ng Pilipinas, Association of Boxing Alliances in the Philippines, Jiu Jitsu Federation of the Philippines, Philippine Athletics Track and Field Association at Philippine Taekwondo Association.

Ang Awards Night ay suportado ng Philippine Sports Commission, Phi­lippine Olympic Committee, PLDT/Smart, Senator Bong Go, MILO, at J­anuarius Holdings bilang major sponsors, at suportado ng PBA, PVL, Akari, Rain or Shine, Acro­City at 1-Pacman Party List.

Maliban sa Paris Olympics, naka apat na gintong medalya rin si Yulo sa Men’s Artistic Gymnastics Asian Championships sa Tashkent, Uzbekistan habang may isang ginto at isang pilak din ito sa FIG Artistic Gymnastics World Cup Series sa Qatar.

Sa kabilang banda, umani si Malabuyo ng isang ginto at isang tanso sa Women’s Artistic Gymnastics Asian Championships sa Uzbekistan.

SPORTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with