^

Bansa

Sakit na dala ng hangin kakalat ngayong 2025

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Sakit na dala ng hangin kakalat ngayong 2025
A thick haze of smog caused by the New Year’s eve fireworks blanketed the streets of Taft Avenue and Kalaw in Manila on Wednesday, Jan. 1, 2024.
The Philippine STAR / Ryan Baldemor

MANILA, Philippines — Isang sakit na dala umano ng hangin ang kakalat ngayong 2025, ayon sa prediksyon ng kilalang psychic at visionary ng Pilipinas na si Rudy Baldwin.

Sa panayam ni Toni Gonzaga sa kanyang social media account na “Toni Talks” noong Nobyembre, 2024, natanong nito si Baldwin kung ano ang prediksiyon ngayong taon.

“Hindi ko siya ma-compare sa virus…Isa siyang hangin na may dalang bacteria. It’s super bad kasi doon sa monkeypox…na vision ko ‘yun. Ito iba ito eh. Hindi siya monkeypox eh,” ani Baldwin.

Ikinumpara ni Baldwin ang sakit sa nangyari sa Bibliya na magsasara ang mga tahanan upang hindi makapasok.

“Ibang klase ng virus siya nakakatakot kasi ­galing sa hangin eh,” dagdag ni Baldwin.

Tinanong ni Gonzaga kung may nakikitang solusyon si Baldwin na sinagot niya na mayroon naman.

“May cure naman siya kasi nakikita ko guma­galing. Kaso lang dumadami. Parang nag-heal na siya dito banda (lilipat naman sa ibang parte ng katawan),” ani Baldwin.

Pero hindi nakita ni Baldwin na magkakaroon ng lockdown katulad noong kasagsagan ng COVID-19.

Ipinaalala rin niya na bago pa kumalat ang ­COVID-19, nahulaan niya na kakalat ang isang virus na tatawaging Corona at magkakaroon ng lockdown.

“Sabi ko magkakaroon tayo ng virus na ang pangalan ay Corona. Tapos maglo-lock down tayo…ang daming mura. ‘Walang hiya ka, sira ulo ka, magpa-psychiatric test ka.’ Hinayaan ko lang,” ani Baldwin.

ILLNESS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with