^

PSN Palaro

PLDT bagsak sa ‘Bagyong Pablo’

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
PLDT bagsak sa ‘Bagyong Pablo’
Hinatawan ni Myla Pablo ng Petro Gazz si Angge Alcantara ng PLDT.
PVL photo

MANILA, Philippines — Unti-unti nang luma-lakas ang ‘Bagyong Pablo’.

Humataw si Myla Pablo ng 19 points mula sa 17 attacks at dalawang blocks para tulungan ang Petro Gazz sa 12-25, 25-14, 25-22, 25-20 pagdaig sa PLDT Home Fibr sa Premier Volleyball League (PVL) All-Filipino Confe­rence kahapon sa Philsports Arena sa Pasig City.

Ito ang ikatlong sunod na ratsada ng Gazz Angels para sa kanilang 4-1 record at solohin ang ikatlong puwesto.

Pumalo si Fil-Am Brooke Van Sickle ng 21 points tampok ang 18 hits bukod sa 12 excellent digs  habang may 17 points si Jonah Sabete.

“I thought everyone did a fantastic job all day round, everyone’s is firing, PLDT is always a fantastic team, so this is a fun match,” wika ni Van Sickle kina Pablo at Sabete.

Nag-ambag si setter Djanel Cheng ng 18 excellent sets at may 14 excellent receptions si Blove Barbon para sa kanilang floor defense.

Laglag ang High Speed Hitters sa 3-2 kasama ang dalawang dikit na pagbulusok bagama’t nakakuha kay Fil-Canadian Savi Davison ng game-high 28 points mula sa 26 attacks, isang block at isang service ace.

Bumalikwas ang Petro Gazz mula sa first set loss para resbakan ang PLDT sa second frame, 25-14, tampok ang pagbibida ni Pablo.

Nagtuwang sa third set sina Van Sickle, Pablo at Sabete para ilista ang 2-1 bentahe patungo sa pagselyo sa kanilang panalo sa fourth frame.

“Lagi namang sinasabi nila na ready lang always kasi hindi nila alam kung anong position ako ilalagay. Kung saan lang mailagay, magpe-perform pa rin ako,” ani Sabete na inilagay ni Japanese coach Koji Tsuzurabara sa opposite position.

SPORTS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with