^

PSN Palaro

Sotto may pinatunayan kontra New Zealand

John Bryan Ulanday - Pilipino Star Ngayon
Sotto may pinatunayan kontra New Zealand
Dinakdakan ni Kai Sotto ng Gilas ang New Zealand player sa kanilang laban sa FIBA ACQ kamakalawa. (Kuha ni Russell Palma)
STAR/ File

MANILA, Philippines —  Kung mayroon pa ring kaunting pagdududa sa kalibre ni Kai Sotto bilang isa sa susi ng Gilas Pilipinas team ngayon at sa hinaharap ay muli niya itong pinasinungalingan sa likod ng pambihirang performance.

Kaakbay si naturalized player Justin Brownlee, trinangkuhan ng 7-foot-3 Filipino sensation ang Gilas sa makasaysayang 93-89 panalo kontra sa dayong New Zealand sa pag-arangkada ng ikalawang window ng 2025 FIBA Asia Cup Qualifiers kamakamalawa sa Mall of Asia Arena.

At hindi lang ang buong bansa ang napabilib kundi lalo na si Tim Cone, na idiniing kung hindi dahil sa injury ni Sotto sa FIBA Olympic Qualifying Tournament ay mas malayo ang narating ng Nationals.

“It’s amazing. He’s doing it all, scoring, reboun­ding and assists,” ani Cone sa kanyang de-kalibreng sentro na kumamada ng halos triple-double na 19 puntos, 10 rebounds at 7 assists.

Sahog din dito ang 1 steal at 2 tapal para sa kumpletong performance na nakatulong sa Gilas upang manalo sa New Zealand sa unang pagkakataon.

Hindi pa nakaisa ang Gilas sa Tall Blacks sa apat na salang tampok ang average losing margin na 24.3 puntos subalit sa lahat ng laban na iyon ay wala si Sotto, na nagsimula sa Batang Gilas.

Subalit para kay Sotto, na nadale ng back injury sa FIBA OQT kung saan muntikang makapasok ang Gilas sa Paris Olympics matapos ang 89-80 upset kontra sa world No. 22 na Latvia, ay pinagtulungan ng buong koponan ang panalo – at hindi lang siya.

“Para sa’kin, it’s really a great team win offensively and defensively. I think e­verybody did a good job,” ani Sotto na kinailangan pang dumaan sa concussion protocol dahil sa collision sa Japan B.League bago nakalaro.

KAI SOTTO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with