^

Police Metro

Misis ‘di inuuwian ng mister; pinatay ang 4-anyos anak

Joy Cantos - Pang-masa

Hinalang may ibang babae

MANILA, Philippines — Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang isang 4-anyos na batang babae matapos umanong sakalin ng sarili niyang ina dahil lang sa hindi ito inuuwian ng ilang araw ng mister, naganap sa Brgy. Agusan, Cagayan de Oro City, ayon sa naantalang ulat ng pulisya.

Ang biktima na itinago sa pangalang Sophie ay idineklarang dead on arrival matapos itong isugod ng kaniyang ina na itinago naman sa pangalang Clara, 25-anyos at mga kamag-anak nito sa pagamutan.

Sinabi ng ina ng bata sa mga doktor  na nadulas umano sa banyo ang bata kaya namatay sa kabila ng may bakas ito ng sakal sa kaniyang leeg.

Hindi ito pinaniwalaan ng doktor dahil hindi nila nakitaan ng anumang sugat ang bata na nagpapakita ng pagkakadulas nito.

Inaresto ang ginang at dinala sa himpilan ng pulisya upang maisailalim sa imbestigasyon at kalaunan ay ­umamin din na nabalingan niya ng galit ang anak  dahil ilang araw na umano siyang hindi inuuwian ng kaniyang asawa na nasa Cebu City na hinihinala nitong may ibang babae.

Sinabi ng ginang na nagdilim ang kaniyang isip kaya nagawa ang krimen na labis niyang pinagsisihan.

Nasa kustodiya na ng mga otoridad ang suspek na nahaharap sa paglabag sa Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination (RA 7610) at reklamong parricide.

DEAD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->