Meat trader na ‘di nakabayad ng utang, utas sa saksak
MANILA, Philippines — Nasawi ang isang mister habang ang misis nito ay nasugatan nang atakihin ng saksak ng isang negosyante sa harap ng kanilang bahay sa Brgy. Sto. Tomas, Calauan, Laguna, kahapon ng madaling araw.
Namatay noon din ang biktima na si Marlon Evangelista, meat trader dahil sa mga tinamong saksak sa katawan. Habang ang misis nito na itinago ang pagkakakilanlan ay dinala sa ospital dahil sa tinamong mga saksak sa katawan.
Ayon kay Lt. Col. Jojo Sabiniano, hepe ng Calauan police, alas-2:30 ng madaling araw ay nasa labas ng kanilang bahay ang mag-asawa nang sugurin ng saksak ng dalawang suspek na kanina pa nagmamasid sa kanila.
Nagsagawa nang pagtugis ang mga otoridad at naaresto ang isa sa mga suspek sa mga katabing barangay ilang oras matapos na gawin ang krimen habang ang isa ay nakatakas.
Ang naarestong suspek ay umamin sa krimen na nagsabi sa kasama na takutin at bugbugin lang ang biktimang lalaki na umano ay hindi nakakabayad ng utang nito sa negosyong karne.
- Latest