^

Punto Mo

Maari bang suspendihin agad ang empleyado?

DEAR ATTORNEY - Atty. Aeron Aldrich B. Halos - Pang-masa

Dear Attorney,

Tama po ba na inilagay kaagad ako sa preventive suspension kahit kabibigay lang ng notice to explain? Puwede ba kaagad na suspendihin ang empleyado kahit hindi pa naririnig ang kanyang panig? —Arvin

Dear Arvin,

Ayon sa Section 8 ng Rule XXIII, Book V ng Omnibus Rules Implementing the Labor Code ay maaring patawan ng preventive suspension ang isang empleyado kung ang patuloy niyang pagpasok sa trabaho ay magdudulot ng panganib sa buhay o ari-arian ng kanyang employer o ng kanyang mga kasamahan sa trabaho.

Nilinaw din ng Korte Suprema sa kaso ng Beja Sr. v. CA (207 SCRA 689) na hindi parusa ang pagpapataw ng preventive suspension sa isang empleyado. Bagkus ay isa lamang itong paraan ng pag-iingat sa panig ng employer upang malayang maimbestigahan ang sinasabing ginawang kamalian ng empleyado.

Dahil hindi naman ito isang paraan ng pagpaparusa, ay puwedeng mauna o kaya’y isabay ang pagpapataw ng preventive suspension sa pagbibigay ng notice to explain sa empleyado ukol sa kanyang violation.

Ibig sabihin, hindi kailangan na marinig ang panig ng empleyado bago siya isailalim sa preventive suspension, sapat nang may determinasyon na magdudulot ng panganib sa buhay o ari-arian ng kanyang employer o ng kanyang mga kasamahan sa trabaho ang patuloy na pagpasok ng empleyado habang siya ay iniimbestigahan.

EMPLOYEE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with