^

PSN Palaro

Sotto ipinagmalaki ang mga Pasig City athletes

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Opisyal nang idineklara ng Philippine Sports Commission (PSC) ang Pasig City bilang overall champion ng 2024 Batang Pinoy na idinaos sa Puerto Prin-cesa City, Palawan.

Humakot ang mga Pasigueño ng kabuuang 105 gold, 64 silver at 116 bronze medals para agawin ang korona sa four-time champions Baguio City na tumapos sa No. 2 spot sa nakolektang 92 golds, 72 silvers at 89 bronzes.

Ang overall champion ay tatanggap ng P5 milyon mula sa PSC  habang may P4 milyon, P3 milyon, P2 milyon at P1 milyon ang magtatapos sa second, third, fourth at fifth place, ayon sa pagkakasunod.

“Sobrang happy kami dahil nagwagi sa Batang Pinoy,” ani Pasig City Ma­yor Vico Sotto sa kanyang delegasyon. “Proud na proud ako sa mga atleta. Nagpapasalamat ako sa mga coaches, sa mga pa­rents, sa mga support staff natin.”

May pangako ring cash incentive si Sotto sa mga nag-uwi ng medalya sa annual sports meet na nilahukan ng kabuuang 177 Local Government Units (LGUs).

Isa rito si Arvin Naeem Taguinota II na hinirang na most bemedalled athlete sa nilangoy na anim na gintong medalya sa swimming competition.

Ang iba pang kasama sa Top 5 ay ang Quezon City na naglista ng 59 golds, 55 silvers at 53 bronzes kasunod ang Davao City (39-44-37) at General Santos City (36-30-40).

SPORTS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with