^

True Confessions

Hiyasmin (252)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“NABUO ang pagma­mahalan namin ni Rashid, Siony,’’ sabi ni Mama Lira. Nasa salas sila nag-uusap.

“Pero nang huli tayong mag-usap noon, sabi mo, hindi mo pa tiyak kung buntis ka. Ang sabi mo sa akin, naduduwal ka at laging ina­antok sa umaga.”

“Oo nga. Nang hindi ako magkaregla, tiyak kong buntis ako. Malakas ang kutob ko na may pumipintig sa akjng sinapupunan.”

“Bakit hindi na kita nakita mula noon, Lira?”

“Magulo na ang isip ko at nag-iisip ng paraan kung paano ang gagawin.”

“Sinabi mo kay Rashid na buntis ka?”

“Oo.”

“Anong sabi ni Rashid?’’
“Walang reaksiyon. Umiyak pa nga ako sa harapan niya pero walang epekto. Sabi ko, wala akong aasahan kay Rashid kaya hindi ko na siya kinulit.”

“Pagkatapos anong nang­yari?”

“Nalaman ko, wala na si Rashid sa bahay. Nasa kamag-anak daw ayon sa mga amo ko. Dun daw magtatrabaho. Pero hula ko, dahilan lamang yun—gusto lang akong iwasan ni Rashid.”

“Anong sunod na ginawa mo, Lira?”

“Dahil mahahalata na ang tiyan ko, naisip kong gumawa ng sulat na kunwari ay galing sa mga magulang ko. Nakasaad sa sulat na namatay ang aking tatay. Kailangang umuwi ako sa lalong madaling panahon. Pinayagan ako. Binigay lahat ang suweldo ko at may bonus pa. Naka­rating ako sa Pinas at nalampasan ang problema. Hanggang pinanganak ko si Hiyasmin.”

“Mayroon akong nalaman ukol kay Rashid, Lira.”

“Ano yun, Siony?”

Itutuloy

HIYASMIN

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->