^

True Confessions

Hiyasmin (251)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon
This content was originally published by Pilipino Star Ngayon following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.

Nang ma-kaalis si Siony ay nagtatakang nagtanong si Hiyasmin sa kanyang mama.

“Naging kaibigan mo si Tita Siony sa Kuwait, ‘Ma?”

“Hindi naman matalik na kaibigan. Nagkakabatian kami kapag nag-aabot sa tapunan ng basura. Malayu-layo rin ang tapunan ng basura kaya nagkakasabay kami at nagkakakuwentuhan.”

“Mayroon siyang alam tungkol sa father ko—sa nangyari sa inyo?”

“May nabanggit ako sa kanya pero hindi pa sure noon kung buntis nga ako. Hanggang sa hindi na kami nagkita mula noon.”

“Kasi nagulat siya nang makita ako—nakita ko sa mukha niya ang pagkabigla.”

“Napansin ko nga—ang ganda mo raw!’’

“Kulang na lang sabihin na ‘ang ganda, kamukha ng Kuwaiti,” sabi ni Hiyasmin na bahagyang ngumiti.

Hindi nagsalita si Mama Lira. Ang nasa isip niya ay si Siony. Ano kaya ang alam ni Siony?

“Palagay ko, mayroon siyang alam sa father ko—nakikita ko sa kilos niya kanina,’’ sabi ni Hiyasmin.

“Sabi nga niya ­marami kaming pagkukuwentuhan.”

Napatangu-tango si Hiyasmin.

KINABUKASAN, tinawagan ni Siony si Mama Lira.

“Pupunta ako diyan sa tirahan mo para makapagkuwentuhan tayo,” sabi ni Siony.

“Sige Siony.’’

Wala pang isang oras ay dumating na si Siony.

Nagkuwentuhan sila. Hanggang humantong ang usapan kay Hiyasmin.

“Si Hiyasmin ba ang anak ni Rashid, Lira?’’

Tumango si Mama Lira.

(Itutuloy)

HIYASMIN

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with