^

True Confessions

Hiyasmin (248)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

NAGTAKA si Mama Lira sa sinabi ni Hiyasmin na itagong mabuti ang litrato ng amang Kuwaiti. Para raw hindi na mabuksan pa ito.

“Akala ko gusto mong makita ang picture ng iyong ama? Bakit biglang ayaw mo na?”

“Naisip ko kasi, wala na rin namang mangyayari o mababago kahit pa makita ko ‘yan. Baka umasa lamang ako e masaktan lamang.”

“Sabagay, tama ka. Hindi ko naman talaga gustong ilabas ang litratong ito pero dahil sa request mo, napilitan akong ilabas. Dapat hindi ko na sinabi sa iyo na meron akong naitagong picture niya.”

“Wala na akong interes, ‘Ma. Tama si Dax na huwag na akong umasam o ma­ngarap pa dahil masakit kapag hindi natupad ang pangarap.”

“Tama si Dax, Hiyasmin.”

“Kaya itago mo nang mabuti ang litratong yan. Yung hindi na ma­kikita —para wala nang maalala.”

Napatango na lang si Mama Lira. Susundin niya si Hiyasmin—itatago niya nang todo ang litrato ni Rashid.

Ayaw na niyang may maalala ukol dito.

(Itutuloy)

TRUE CONFESSION

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->