Hiyasmin (247)
“Huwag ka munang umasa Hiyasmin na makikita ang iyong ama,’’ sabi ni Dax. “Mahirap umasa at masakit kapag nabigo. Pero naiintindihan ko ang feeling mo na makita ang iyong ama.”
“Hindi naman ako umaasa Dax. Ang sa akin e parang pangarap lang.”
“Yun lang naman ang maipapayo ko. Kasi kapag nasaktan o nabigo ka sa inaasam mo, pati ako masasaktan. Ayaw ko kasing masasaktan ka uli.’’
“Salamat Dax.”
“Basta isipin mo na lamang na narito ako lagi sa tabi mo at laging nagmamahal sa iyo. Hindi ka iiwan at laging nakasuporta sa iyo forever.”
“Ang sarap namang pakinggan.”
“Ganyan kita kamahal, Hiyasmin. Kung noon ay mahal kita, ngayon ay lalo pa kitang minahal at lalo pang mamahalin.”
“Ang suwerte ko talaga.”
“Pareho tayong masuwerte—pero siguro mas doble ang suwerte ko dahil bukod sa mabait ka na e superganda pa.”
“May lahing Kuwaiti, he-he-he!”
Nagtawa rin si Dax.
Maya-maya, lumapit sa kanila si Mama Lira.
Iniabot ni Hiyasmin ang photo ng ama.
“Itago mo na ito ‘Ma.Ibalot mong mabuti o talian nang mahigpit.”
“Bakit?’’
“Para hindi na mabuksan.”
(Itutuloy)
- Latest