Hiyasmin (244)
“Sige na nga pagbibigyan na kita, Mareng Julia. Kapag dumating si Rashid e di tanggapin. Baka nga ako pamanahan o si Hiyasmin, sayang din, ha-ha-ha!’’ sabi ni Mama Lira.
“Oo nga. Wala namang bayad ang pangangarap. At saka malay mo magkatotoo ang mga sinabi ko—ang imposible ay nagiging posible na ngayon, Mare.’’
“Sabagay nga. Pero kung magkakatotoo ang mga sinabi mo, ang gusto ko pamanahan niya si Hiyasmin—ipagkaloob niya ang mga hindi naibigay kay Hiyasmin—yun lang. Maligaya na ako. Kahit siguro mawala ako sa mundo bukas.”
“Huwag ka naman agad mawawala, Mare at mahaba pa ang pagkukuwentuhan natin. Bago pa lang tayong nagkakasarapan sa pagkukuwentuhan.’’
“Joke lang yun, Mare. Siyempre gusto ko magkaroon pa nang mahabang buhay dahil gusto kong makita ang mga magiging apo natin.”
“Oo naman. Yan din ang hinihiling ko sa Diyos—mahabang buhay.’’
“Maiba na ako ng usapan, Mareng Julia, si Dax ba ay nagkaroon na ng nobya maliban kay Hiyasmin?”
“Wala pa, Mare. Unang nobya niya si Hiyasmin. Parehas silang una sa isa’t isa.”
“Bakit kaya ngayon lang nagkaroon ng nobya si Dax, Mare?”
“Pihikan kasi ang anak kong ‘yan. Isa pa, naging busy sa trabaho. Nakalimutan nang mag-girlfriend.
Kaya nga ang laki ng pasasalamat ko kay Hiyasmin—dahil sa kanya, nagkaroon ng nobya si Dax.”
“Kaya love nila ang isa’t isa—pareho silang una.’’
Maya-maya, nakita nina Mama Lira at Nanay Julia na papalapit sa kanila si Hiyasmin at mukhang may mahalagang sasabihin.
(Itutuloy)
- Latest