^

True Confessions

Hiyasmin (243)

Ronnie Halos - Pilipino Star Ngayon
This content was originally published by Pilipino Star Ngayon following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.

“WALA namang bayad ang mangarap, Mareng Lira kaya pangarapin mo nang pamamanahan ka ni Rashid at pati na si Hiyasmin,’’ sabi pa ni Nanay Julia na aliw na aliw makaraang malaman mismo kay Mama Lira na itinanong daw ni Rashid noon kung saan siya nakatira sa Maynila. Ibig sa­bihin may interes talaga sa kanya ang Kuwaiti—baka mahal talaga siya nito at natatakot lamang sa mga magulang.

“Paano nga kung big­lang dumating si Rashid at hinahanap ka, Mareng Lira? Dapat nakahanda ka rin.”

Humalakhak si Mama Lira. Kanina pa siya ayaw tigilan ni Mama Julia na aliw na aliw sa kuwento kung paano sila nagkaibigan ni Rashid.

“Nakakatuwa ka talaga Mareng Julia. Hindi talaga nagkamali si Hiyasmin na ikaw ang naging biyenan—napakamasayahin mo.’’

“Pero alam mo bang mataray daw ako sabi ni Dax kay Hiyasmin. Ikinuwento sa akin ni Hiyasmin. Kaya nagtataka raw si Dax kung bakit magkasun­dung-magkasundo kami ni Hiyasmin. Hindi naman ako mataray, di ba Mareng Lira.”

“Oo. Kaya nga magkasundo tayo di ba? Gusto nga kitang kakuwentuhan.’’

“Teka itutuloy ko yung tinata­nong­ ko sa’yo ka­nina —paano kung biglang duma­ting si Rashid at hanapin ka—kayong dalawa ni Hiyasmin?’’

“Sige na nga pagbigyan na kita sa matayog mong imahinasyon. Kung dara­ting si Rashid at hahanapin ako e di wow! Iwe-welcome ko siya. Itutuloy

HIYASMIN

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with