^

True Confessions

Hiyasmin (242)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“Walang imposible Mareng Lira. Lahat ay maaring mangyari. Malay mo kapag namatay ang mga magulang ni Rashid ay ipasyang sundan ka rito. Siyempre, wala nang hahadlang kay Rashid kaya puwede ka nang pakasalan,’’ sabi ni Nanay Julia na seryoso sa pagsasalita.

Bahagya namang napangiti si Mama Lira.

“Ang galing mong kumatha ng kuwento, Mareng Julia. Siguro magaling kang manunulat. Matayog ang iyong imahinasyon dahil nagawan mo agad ng kuwento si Rashid, ha-ha-ha!”

“Di ba marami nang ganyang kuwento na nagkahiwalay ang magkasintahan dahil tutol ang mga magulang pero sa dakong huli, sila rin ang nagkatuluyan.”

“Depende Mare sa mga nag-iibigan—pero kung Ku­waiti ang lalaki, mahirap paniwalaan na pupunta siya sa Pilipinas para hanapin ako. Hindia ko talaga maisip na magagawa yun ni Rashid.”

“Pero ni minsan ba ay nag­sabi siya sa iyo na gusto niyang makarating sa Pinas?’’

Nag-isip si Mama Lira sa tanong ni Nanay Julia.

“May isang pagkakataon na sinabi niya iyon.”

“Talaga? Kailan yun?’’

“Noong bago kami nagkagustuhan. Gusto raw niyang makita ang bahay ko sa Pilipinas. Saan daw sa Manila ako nakatira at pupunta siya.”

“O kita mo na? Ibinigay mo ang address?’’

“Oo. Sabi ko sa Sampaloc, Maynila ako nakatira.”

“Baka dun ka pupunta­han ni Rashid, Mareng Lira?’’

Nagtawa lang si Lira.

“Ang galing mong kumatha, Mareng Julia.”

“Aba malay mo, hinahanap ka na pala ni Rashid at marami siyang dalang pera. Pamamanahan ka at si Hiyasmin.”

Nagtawa nang tuluyan si Mama Lira. (Itutuloy)

LIRA

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->