^

True Confessions

Hiyasmin (234)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon
This content was originally published by Pilipino Star Ngayon following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.

“Maraming beses nagsumbong sa akin si Hiyasmin na sinisilipan siya ng demonyo habang naliligo. Nasa high school na si Hiyasmin noon. Nagtataka raw siya habang naliligo dahil may kaluskos sa may pinto ng banyo. Dali-dali raw siyang nagbihis at biglang lumabas mula sa banyo. Huling-huli raw niya ang demonyo na nakatayo at halatang may kaduda-dudang ginawa. Hindi raw malaman ang gagawin.

“Isinumbong sa akin ni Hiyasmin ang ginawa ng demonyo. Kinumpronta ko ang demonyo pero ako pa ang sinaktan. Huwag ko raw siyang pakialaman. Sa takot ko, nagsawalang kibo na lang ako. Wala akong magawa dahil sa takot.

“Nagpatuloy ang ginagawa ng demonyo sa pamboboso kay Hiyasmin. Nagsumbong uli sa akin si Hiyasmin. Natatakot daw siya na baka kung ano ang gawin sa kanya ng demonyo—baka pasukin daw siya sa banyo at gahasain siya.

“Pero wala akong nagawa dahil sa takot. Dahil natatakot na si Hiyasmin sa maaring mangyari, nagpasya na siyang bumukod ng tirahan.

“Hindi ko siya pinigilan. Alam ko, yun ang mabuti. At isa pa, wala rin naman akong magawa para laba­nan ang demonyo.

“Nang umalis si Hiyasmin­ sa bahay, umiyak ako. Yun lang ang kaya kong gawin—ang umiyak!”

(Itutuloy)

HIYASMIN

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with