Hiyasmin (185)
DAHAN-DAHAN si Dax sa pag-isod palapit kay Hiyasmin na nasa gitna ng kama.
“Bakit hindi mo na lamang sabihin at ibubulong mo pa?’’ sabi ni Hiyasmin.
“Baka may makarinig,’’ sagot ni Dax.
“Para itong sira! Sino naman ang makakarinig e dalawa lang tayo rito.’’
“Baka may mga espiritu na nakikinig. Mabuti nang ibulong ko para tayong dalawa lamang ang nakaaalam.’’
“Sige na nga—ang arte mo naman.’’
“Saglit lang ito Hiyasmin pero magugulat ka.’’
“Sige na lumapit ka na rito.’’
Lumapit si Dax kay Hiyasmin.
Inilapit nito ang bibig sa taynga ni Hiyasmin.
Naghihintay si Hiyasmin sa ibubulong ni Dax.
“Hiyasmin…’’ sabi ni Dax.
Bumaling ang ulo ni Hiyasmin kay Dax at tamang-tama na nagbanggaan ang kanilang mga labi.
Swak na swak!
Itinuloy na ni Dax at sinakmal na ang malambot na labi ni Hiyasmin. Hindi na tumutol si Hiyasmin at nagpaubaya sa ginagawa ni Dax.
Idiniin ni Dax ang labi sa manipis na labi ni Hiyasmin.
Ibinuka ng labi ni Dax ang labi ni Hiyasmin.
Mabango ang hininga ni Hiyasmin. Parang hininga ng kasisilang na sanggol.
Matagal ang paglalapat ng kanilang mga labi.
Nang maghiwalay ay hinabol nila ang paghinga.
Makalipas ang ilang sandali ay nagtanong si Hiyasmin.
“Akala ko may ibubulong ka, Dax.”
“’Yun na nga ang ibubulong ko!’’
Itutuloy
- Latest