Hiyasmin (183)
Binuksan ni Hiyasmin ang pinto.
Nakatayo si Dax.
“Halika. Pasok.”
Pumasok si Dax.
Isinara ni Hiyasmin ang pinto.
“Walang nakakita sa’yo nang pumasok?’’ tanong ni Hiyasmin.
“Wala. Maagang natulog si Nanay at Tatay.’’
“Akala ko 12:00 midnight ka darating.’’
“Talagang inagahan ko na at nakakahiya naman.’’
“Mabuti at alam mo.’’
Humakbang si Hiyasmin. Umakyat sa kama. Naupo.
“Maupo ka. Gusto mo sa kama o sa silya?’’ tanong ni Hiyasmin.
“Sa kama para malambot.’’
“Sige.’’
Naupo sa gilid ng kama si Dax na nakaharap kay Hiyasmin. Nasulyapan ang katawan ni Hiyasmin na bakat sa suot.
Iniharang ni Hiyasmin ang braso sa tapat ng dibdib.
“Bakit mo iniharang?’’ tanong ni Dax na nakangiti.
“Wala!’’
“Okey naman ang suot mo. Wala namang masama. Alisin mo kaya ang braso mo.’’
Hindi inalis ni Hiyasmin ang braso sa tapat ng dibdib.
“Ano ba ang sasabihin mo Dax?”
Napangiti lang si Dax.
Nagtataka si Hiyasmin.
Parang iba na si Dax ngayon.
Tumatalab na kaya ang pain niya. Parang matapang na si Dax.
“Bakit ang suot ko ang napapansin mo?” tanong ni Hiyasmin na hindi pa rin inaalis ang nakaharang na braso.
“E maganda kasi—see thru.’’
Gustong mapangiti ni Hiyasmin pero pinigil niya. Nagtataka talaga siya kung bakit biglang naging matapang na sa pagsasalita si Dax. Hindi kaya nakainom?
“Ano nga ang sasabihin mo Dax? Di ba kaya ka narito ay dahil may sasabihin ka?’’
“Oo pero mas may magandang pag-usapan.’’
Talagang nakapagtataka ang kinikilos ni Dax!
(Itutuloy)
- Latest