^

True Confessions

Hiyasmin (178)

Ronnie Halos - Pilipino Star Ngayon

NAISIP ni Hiyasmin na hindi muna niya sasagutin ng “oo” si Dax. Gusto niyang patagalin muna ang panunuyo nito. Medyo paghihirapin muna niya para ma-testing kung tunay nga bang mahal siya ng lalaking ito.

Baka kung sasagutin agad niya ito nang ura-urada ay baka kung ano ang isipin—baka isipin na “cheap” siya. Basta, hindi muna niya agad bibitawan ang “oo”. Basta ang mahalaga ngayon ay nalaman na niya ang sinasaloob ni Dax. Hindi na siya mag-iisip ng kung anu-ano kay Dax.

“Ano ang sagot mo Hiyasmin?’’

“Pag-iisipan ko pa—masyado mo kasi akong binigla. Hindi ko inaasahan na yun pala ang ipagtatapat mo. Akala ko e tungkol sa ibang bagay.’’

“Sabagay, makapaghihintay naman ako. Ang ma­halaga, nasabi ko na sa’yo ang nararamdaman ko. Mahirap din kasing magtago ng nadarama.’’

“Bakit kasi ngayon mo lang sinabi…” nasabi ni Hiyasmin na tila nadulas.

“Anong ibig mong sabihin?’’

“A e ibig kong sabihin bakit ngayon mo lang naisip na ipagtapat e ang tagal ko nang narito sa bahay mo—lagi tayong nag-uusap.’’

“Nahihiya nga ako. Inaamin ko, torpe ako pagdating sa pagtatapat ng nilalaman nito,’’ sabi ni Dax at itinuro ang puso.

“Mabuti at nasabi mo ngayon. Akala ko, patuloy kang magtatago ng damdamin.’’

“Natakot din kasi ako sa sinabi mong hindi mo ako kakausapin—kaya talagang nilakasan ko na ang loob.’’

“Hindi ko naman gagawin yun—sino ba naman ako para magbanta na hindi ko kakausapin ang taong malaki ang naitulong sa akin.’’

“Akala ko tototohanin mo.’’

“Hindi.’’

“Siyanga pala, Hiyasmin, huwag mong mababanggit kay Nanay na nagtapat na ako sa’yo.’’

“Bakit?’’

“Basta huwag mong sasabihin.’’

“Sige. Hindi niya malalaman.’’

Itutuloy

HIYASMIN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with