Hiyasmin (172)
“MAMAYA na lang natin pag-usapan habang nagla-lunch tayo, Hiyasmin,’’ sabi ni Dax na sumulyap sa driver ng Grab. Pakiramdam ni Dax ay nakikinig ito sa pag-uusap nila.
“Pero sasabihin mo na ang hindi mo nasabi kagabi?’’ tanong uli ni Hiyasmin.
Tumango si Dax at tumingin muli sa driver.
“Paghindi mo sinabi, hindi na kita kakausapin,’’ sabi ni Hiyasmin na tila nagbabanta.
Iniba ni Dax ang usapan.
“Ano bang balak mong kainin natin sa lunch—ako gusto ko fried tilapia na may sawsawang atsarang ubod. Masarap yun!’’
“Gusto ko ginataang langka at saka fried tuna.’’
“Pero masarap din ang ginataang puso ng saging at saka pritong tilapia.’’
“Kahit ano orderin mo—ako naman ang taya ngayon.’’
“Ako na lang Hiyasmin. Sa sunod ka na lang maglibre.’’
“Di ba nasabi ko nang ako ang magbabayad ng lunch natin dahil sumuweldo na ako. Pinangako ko sa’yo di ba?’’
“Puwede namang next time ang paglilibre sa akin. At saka di ba sinabi ko sa’yo na bigyan mo ang iyong mama.’’
“Hindi ko naman nakalimutan yun.’’
“Kailan mo siya bibigyan ng pera?”
“This week.’’
“Sasamahan kita sa pagpunta roon?’’
“Huwag na.’’
“Ikaw ang bahala.’’
LUNCH time. Sa isang restawran na nagsisilbi ng mga lutuing bahay nagtungo sina Dax at Hiyasmin.
Habang hinihintay ang order, sinimulan na ni Hiyasmin ang pagtatanong kay Dax.
“Ano ba yung sasabihin mo sa akin kagabi? Siguro naman, masasabi mo na ngayon.’’
“A e…’’
“Hindi kita iimikan kapag hindi mo sinabi.’’
(Itutuloy)
- Latest