^

True Confessions

Hiyasmin (171)

Ronnie Halos - Pilipino Star Ngayon

“SIGE Hiyasmin, mamaya na lang uli tayo mag-usap. Paparating na si Dax. Baka maghinala sa atin,’’ sabi ni Nanay Julia.

“Opo Nanay.’’

“Basta yun ang pakiusap ko sa’yo—ikaw na ang gumawa ng hakbang,’’ sabi ng matanda.

Tumango lamang si Hiyasmin at ipinagpatuloy ang pagprito sa itlog. Malasado ang ginawa niya dahil iyon ang paborito ni Dax.

Lumayo naman si Nanay Julia at nagkunwaring may hinahanap sa cabinet.

Lumapit si Dax kay Hiyasmin.

“Sasabay ka ba sa akin sa pagpasok sa opisina?’’ tanong nito.

“Oo. Di ba lagi naman tayong nagsasabay pumasok.’’
“Akala ko kasi nagbago na ang sched mo.’’

“Bakit naman mababago?’’

“Naitanong ko lang naman.’’

Halika kumain na tayo,’’ yaya ni Hiyasmin.

Naupo si Dax. Nagsandok ng fried rice sa bandehado si Hiyasmin. Inilagay sa platito ang pritong itlog at ang skinless longganisa. Ipinagtimpla ng kape si Dax.

Kumain sila.

“Mamayang lunch, sabay uli tayong kumain?’’ tanong ni Hiyasmin.

“Oo.’’

“Ako na ang magbabayad. Sumuweldo na ako kahapon.’’

“Sige. Dadamihan ko ang kain.’’

Ngumiti lang si Hiyasmin. Naisip niya, magaling magbiro si Dax pero dungo naman. Kailan kaya magkakalakas ng loob na magtapat?

Nang nasa taxi na sila at magkatabi sa upuan nagkalakas ng loob si Dax.

“Sorry sa nangyari kagabi. Napuyat ka tuloy.’’

“Okey lang naman yun. Ang gusto kong malaman ay kung kailan mo sasabihin ang hindi mo nasabi kagabi?”

Itutuloy

HIYASMIN

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with