^

True Confessions

Hiyasmin (151)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

Napahiya si Hiyasmin sa sinabing “pinagseselosan” ni Dax si Toti. Nag-sori agad kay Dax.

“Sori Sir Dax sa nasabi ko.’’

“Okey lang. Wala namang mali roon.’’

“Nagseselos ka talaga?’’

Hindi sumagot si Dax.

Maya-maya, iniba na ni Dax ang usapan.

“Bukas ng hapon, sa Japanese restaurant tayo kumain—ramen ang gusto ko.’’

“Teka, Sir Dax—hindi ka na galit o sum­pong sa akin?’’

“Kung galit ba ako, yayayain kitang kumain?’’

“Oo nga ano?”

“Basta maghahapunan tayo bukas sa sinabi kong restaurant. Okey?’’

“Kung yun ang gusto mo e di sige.’’

“Dadaanan kita ng alas singko ng hapon.’’

“Sige. E sa lunchtime, sabay pa rin tayong kumain?’’

“Oo naman. Bakit ayaw mo na bang sumabay sa akin?’’

“Siyempre gusto.’’

“Good,’’ sabi ni Dax at ngumiti.

Nag-iisip naman si Hiyasmin sa sinabi ni Dax na wala raw mali sa sinabing “nagseselos”.

ISANG malalim na gabi. Nalaman na lamang ni Dax na magkatabi sila sa higaan ni Hiyasmin. Hindi niya alam kung kama niya o kama ni Hiyasmin sila naroroon. Basta magkadaop ang kanilang mga hubad na katawan.

Nagsasalo sa isang ma­tamis na bagay.

Naririnig niya ang impit na tinig ni Hiyasmin na tila nasisiyahan. (Itutuloy)

DAX

HIYASMIN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with