^

True Confessions

Hiyasmin (149)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

Mula nang pagsabihan ni Dax si Hiyasmin na huwag agad-agad magpapadala sa pambobola ng mga la­laki, kapansin-pansin na parang naging bugnutin ito. Parang naging sumpungin at hindi naging palaimik. Nailang si Hiyasmin dahil hindi naman ito dating ganun. Nanibago siya. Bakit kaya? Iyon ang tinatanong ni Hiyasmin sa sarili. Pero sa bandang huli, naisip ni Hiyasmin na baka marami lamang itong trabaho sa opi­sina. Minsan kasi, nasabi ni Sir Dax sa kanya na tambak ang trabaho at hindi na makapagpahinga man lang.

Kapag nasa bahay sila ay madalas na nagbabasa lang si Sir Dax habang nasa salas. Dati kapag walang pasok ay nakikipagkuwentuhan ito sa kanya at nakikipagbiruan. Ngayon ay parang walang gana at laging nakasubsob sa pagbabasa. Tingin ni Hiyasmin ay naging masungit si Sir Dax. At hindi siya sanay sa ganun sapagkat mula nang makilala niya si Sir Dax ay palangiti at palabati ito.

Minsan, hindi na nakatiis si Hiyasmin at nilapitan ang nagbabasang si Dax.

“Sir Dax, puwede ka bang makausap nang masinsinan?’’

“Tungkol saan?’’

“Kasi napapansin ko nitong mga nakaraang araw na parang wala kang gana. Tingin ko rin naging masungit ka? Mayroon ba akong nagawang mali?”

Napatitig si Dax kay Hiyasmin.

(Itutuloy)

DAX

HIYASMIN

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with