Hiyasmin (148)
“MARAMI kasing umaastang binata pero may asawa pala,’’ sabi ni Dax.
“Ah oo nga Sir Dax. Sa pabrika na pinagtrabahuhan ko nun, maraming nagpapalipad hangin sa akin.’’
“Kapag ganun, huwag mong papansinin.’’
“Oo nga po.’’
“Akala siguro makukuha ka sa bola.’’
“Naku hindi nila ako mapaglalalangan, Sir Dax.”
“Tama! Maging palaobserba ka.’’
“Oo nga ganun ang ginagawa ko.’’
“Meron kasing mga babae na bola-bolahin lang ng lalaki e kumakagat na.’’
“Hindi po ako ganun.’’
Napangiti nang malaki si Dax. Tila satisfied sa sagot ni Hiyasmin.
“Tama ang ginagawa mo—maging palasuri sa lalaki na gustong makipagkilala o kaibigan. Hindi mo alam ang intensiyon. Lalo ikaw, maganda—lapitin ng lalaki.’’
“Napapansin ko nga Sir Dax na lapitin ako ng lalaki—parang pinagnanasaan.’’
“Maganda ka nga kasi.’’
Maya-maya pa, dinala na sa kanila ng crew ang mga order nilang pagkain.
“Kumain na tayo, Hiyasmin.’’
“Parang ang sarap ng tahong at alimasag, Sir Dax!’’
Kumain sila.
(Itutuloy)
- Latest