Hiyasmin (144)

“Hindi ko na nakuhang magdamit Sir Dax at natulog na lang ako. Panatag naman kasi ang loob ko rito sa bahay kaya natulog akong naka-panty lang. Wala namang makakapasok na magna­nakaw dito sa atin,’’ sabi ni Hiyasmin.

“Aba hindi ka dapat magkampante. Ang mga magnanakaw, kapag may pagkakataon, papasok sa bahay para gumawa ng masama. Kaya hindi ka dapat natutulog na naka­bilad ang katawan.’’

“Hindi na mauulit Sir Dax.’’

“Isa pang nalimutan mo—hindi ka nagsasara­ ng pinto. Madali ka tala­gang mapapasok ng mag­­nanakaw dahil parang inaanyayahan mong pumasok.’’

“Hindi na po mauulit. Isasara ko na po ang pinto.’’

“Pero may kasala­nan din ako dahil pumasok ako nang walang pahintulot. Dapat hindi ako pumasok—kakahiya sa iyo—nakita tuloy kitang na­ka-panty lang.’’

“Okey lang Sir Dax.’’

“Anong okey?’’

“Ibig kong sabihin, kahit nakita mo akong naka-panty, wala sa akin yun. Hindi mo naman alam na natutulog akong naka-panty lang.’’

“Kaya sa susunod, mag­sasara ka ng pinto. Mahirap magtiwala sa panahon ngayon—maraming masa­sama ang loob.’’

“Isasara ko na po lagi ang pinto.’’ (Itutuloy)

Show comments