^

True Confessions

Hiyasmin (140)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“Ang bilis mo lang ding makarating dito Sir Dax,’’ sabi ni Hiyasmin nang palabas na sila ng compound ng kompanya.

“Malapit nga lang dito ang opis namin—tatlong minutong lakarin!’’

“Malapit nga pala.’’

“Kaya kahit na magsabay pa tayo ng lunch, okey pa rin.’’

“Oo nga! Sabay tayong mag-lunch bukas, Sir Dax. Kaya lang ikaw muna ang magbabayad dahil wala pa akong suweldo.’’

“Okey lang yun—alam ko namang wala ka pang sahod. Pero hindi ka ba mapapagod na lalabas pa tayo para mag-lunch?’’

“Okey lang po. Isa pa, malapit lang ang mga restaurant sa pa­­ligid ng opis— hindi na tayo lalayo.’’

“Sige magsabay tayo sa lunch bukas.’’

Nang makalabas sila sa compound ng kompanya, isang taksing walang laman ang kina­wayan ni Dax.

“Gusto mo ba umuwi na tayo o mamasyal muna tayo?’’ tanong ni Dax.

“Umuwi na tayo Sir Dax, parang napagod ako. Hindi ko na kayang mamas­yal pa. Next time na lang.’’

“Okey. Pero paano ang pagkain natin sa dinner?’”

“Meron pa naman tayong iluluto. Akong bahala, Sir Dax.’’

“E di ba napapagod ka?’

“Kaya ko pa naman.’’

“Ako na lang magluluto. Pagdating natin sa bahay, mag-rest ka na. Umidlip ka at pagnakaluto na ako, gigi­singin kita, okey?”

Tumango si Hiyasmin.

Sumakay na sila ng taxi para umuwi.

Habang nasa taxi, na­paidlip si Hiyasmin. Pagod nga ito, naisip ni Dax.

(Itutuloy)

HIYASMIN

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with