^

True Confessions

Hiyasmin (139)

Ronnie Halos - Pilipino Star Ngayon

“ITI-TEXT kita mamaya kapag patungo na ako sa opisina n’yo. Malapit lang naman ‘yun sa opis namin—mga isang building lang ang pagitan,’’ sabi ni Dax kay Hiyasmin habang nasa taxi sila.

“Opo Sir Dax.’’

“Sa lobby kita hintayin.’’

“Opo.’’

“Pero huwag kang magmamadali sa pag-uwi. First day mo sa work ngayon at marami ang nag-oobserba sa’yo. Kung may kinakaila­ngang gawin kahit lampas na sa oras, gawin mo.’’

“Salamat sa tips Sir Dax. Tatandaan ko ang mga ‘yan.’’

“Mabuti nang nakahanda ka para hindi ka natataranta.’’

Unang bumaba si Hiyasmin.

“Bye Sir Dax.’’

“Bye.’’

KINAHAPUNAN, eksakto 5:00 p.m., nag-out na si Dax.

Dati paglabas niya sa opis, deretso na siya sa pag-uwi o kung may bibilhin siya sa supermarket, dumaraan siya.

Ngayon, nabago ang ruta niya—daraanan niya si Hiyasmin sa opis nito.

At pakiramdam ni Dax, excited siya sa pagsundo kay Hiyasmin. Parang sabik siyang makita si Hiyasmin kahit kanina lamang ay magkasabay silang pumasok. Bakit kaya nasabik siya kay Hi­yasmin?

Tatlong minuto lamang ay nasa lobby na siya ng building na pinag-oopisinahan ni Hiyasmin.

Naroon na si Hiyasmin at naghihintay.

“Tamang-tama ang dating mo Sir Dax. Kabababa ko lang!’’

“Saktung-sakto!’’

Itutuloy

HIYASMIN

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with