Hiyasmin (127)

Nahiwagaan si Dax sa sinabi ni Hiyasmin. Ano kaya ang ibig sabihin na kahit ano raw ang gawin niya, hindi ito tututol.

Iniba niya ang usapan.

“Ang bilis ng pa­na­hon ano, Hiyasmin? Nakatapos ka na.’’

“Oo nga Sir Dax—dahil sa kagandahang loob mo.’’

“Palagay ko nagta­taka ang mga classmate mo kung bakit ako ang kasama mo sa graduation.’’

“’Yun din ang iniisip ko kanina Sir Dax.’’

“Sabagay maaring­ ini­isip nila na magka­patid tayo o magpinsan kaya. Siguro ganun ang iniisip nila ano?’’

“Baka nga po. Pero ma­aring hindi rin dahil sa…’’

“Dahil sa ano?’’

“Hinalikan mo kasi ako.’’

“Puwede namang hu­malik ang kapatid o pin­san kaya.’’

“Sabagay.’’

“Kasi kaya kita hinalikan e natutuwa ako dahil magna cum laude ka. Sobra akong nasisiyahan dahil ang galing mo! Ipinagmamalaki kita!’’

Napangiti si Hiyasmin sa sinabi ni Dax.

“Sana lahat nang la­laki, tulad mo,’’ sabi nito.

(Itutuloy)

Show comments