Hiyasmin (126)

Dahil walang masabi si Dax kay Hiyasmin, nagbiro na lang siya.

“Sige bago tayo magka­iyakan ay manonood na lang ako ng TV at ipagpatuloy mo na lang ang ginagawa mo.’’

“Mabuti pa nga siguro Sir Dax. Basta tinitiyak ko po sa iyo na hindi ako aalis dito kahit makatapos ako ng studies at kahit may tra­baho na.”

“Kahit pa malayo rito ang magiging opis mo?’’

“Opo. Basta pinal na ang pasya ko na dito pa rin ako titira.’’

Sumapit ang hinihintay na graduation ni Hiyasmin. Tinext niya ang kanyang mama para dumalo sa gra­duation subalit maysakit umano ito. Pero ang hula ni Hiyasmin, ayaw itong pa­puntahin ng asawa.

Kaya si Dax lang ang naging kasama niya sa graduation. Ginawa ang gra­duation sa auditorium ng unibersidad. Nang tawagin ang pangalan ni Hiyasmin para sa academic excellence award ay si Dax ang kasama sa pag-akyat sa stage.

Pagkatapos ma­isabit ni Dax ang medalya, hinalikan niya sa pisngi si Hiyasmin. Hindi iyon inaasahan ni Hiyasmin.

Masayang-masaya na­man si Dax sapagkat isang karapat-dapat na nilalang ang kanyang napagtapos ng pag-aaral. Hindi pa rin siya makapaniwala na tapos na nga si Hiyasmin. Parang kailan lang ang lahat!

Matapos ang graduation, sa isang mamahaling restaurant sila kumain.

“Salamat Sir Dax—sala­mat sa kabutihan mo.’’

Ngumiti lang si Dax. Ano ba ang sasabihin niya kay Hiyasmin?

“Salamat din sa halik!’’ sabi ni Hiyasmin at tipid na ngumiti.

“Hindi ka galit na hinalikan kita?’’

“Ba’t naman ako ma­gagalit?’’

“Kasi baka isipin mo nananamantala ako.’’

“Kahit na ano pa ang gawin mo, wala akong tutol.’’

(Itutuloy)

Show comments