^

True Confessions

Hiyasmin (96)

Ronnie Halos - Pilipino Star Ngayon

NAGSIMULANG kumain si Hiyasmin.

“Kumain ka lang at saka natin ihahanap ng solusyon ang problema mo. Mahirap mag-isip kung walang laman ang sikmura. Lahat naman may solus­yon, okey?’’ sabi ni Dax.

“Opo Sir Dax.”

Nagpatuloy sila sa pagkain.

Mabilis na nakatapos si Dax. Uminom ng tubig.

Maya-maya kinawayan ang babaing nagsilbi. Lumapit ang tagasilbi.

“Water please.’’

“Opo Sir.’’

Umalis ang tagasilbi at pagbalik ay dala ang pitsel ng tubig at sinalinan ang baso ni Dax. Nang mapuno ay umalis.
Tumingin si Dax kay Hiyasmin. Tapos na ito sa pagkain,

“Tapos ka na?’’

“Opo.’’

“Nawalan ka talaga ng gana. Hindi mo naubos.’’

“Oo nga po.’’

Kinawayan uli ni Dax ang tagasilbi. Lumapit.

“Bill out na kami.’’

“Yes Sir!’’

Nang bumalik ang tagasilbi dala na ang bill. Binayaran ni Dax at nagyaya nang umalis.

“Tayo na, Hiyasmin.’’

Lumabas na sila ng restaurant.

Nagtaxi na sila pauwi.

Nang makarating sa bahay, nagpaalam si Hiyasmin na matutulog na. May exam daw siya bukas.

“Sige Hiyasmin. Bukas na lang tayo mag-usap.”

Itutuloy

HIYASMIN

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with