^

True Confessions

Hiyasmin (94)

Ronnie Halos - Pilipino Star Ngayon

“SINO yung kasamang babae? Mama mo?’’ tanong ni Dax habang nakatingin sa lalaki na itinuro ni Hiyasmin. Mga ilang metro ang layo ng mga ito sa kanila.

“Hindi yun ang mama ko, Sir Dax!’’ sabi ni Hiyasmin na may diin.

“E sino yun?

“Baka kabit?’’

Napatango na lang si Dax habang hinahabol ng tingin ang stepfather ni Hiyasmin at kasamang babae. Pumasok ang mga ito sa isang tindahan ng damit.

“Hindi talaga mapagkakatiwalaan ang asawa ni Mama,’’ sabi ni Hiyasmin at bumuntonghininga.

“Baka naman kaibigan lang ang babae?’’ sabi ni Dax.

“Hindi po kaibigan yun, Sir Dax. Sa kilos na lang halatang may re­lasyon sila. Kawawa naman ang mama ko.’’
Hindi na nagsalita pa si Dax. Nagpatuloy sila sa pagla­lakad hanggang makarating sa Japanese restaurant na kakainan nila.

Pumasok sila.

Pinili ang upuan na nasa dulo.

Lumapit ang tagasilbing babae at iniabot ang menu lists.

“Pili ka ng gusto mong kainin, Hiyasmin. Ako yung salmon ang gusto ko.”

“Ganun na rin ang sa akin, Sir Dax.’’

“Okey.’’

Kinawayan ni Dax ang tagasilbi. Nang lumapit ay umorder siya. Nang ­makuha ang order nila ay agad umalis ang tagasilbi.

Napansin ni Dax na parang walang gana si Hiyasmin. Dahil siguro sa nakita kanina na may kasamang babae ang stepfather.

“Iniisip mo ang nakita kanina, Hiyasmin?’’

“Opo Sir Dax.’’

“Huwag mo nang gaanong isipin.’’

“Pinipilit ko nga po pero talagang hindi mawala sa isip ko. Hindi talaga mapagkakatiwalaan ang taong yun!’’

“Anong balak mo? Isusumbong mo sa mama mo?’’

Tumango si Hiyasmin.

Itutuloy

vuukle comment

HIYASMIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with