^

True Confessions

Hiyasmin (71)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“Opo, Nanay. Mag-ingat po kayo ni Tatay,’’ sabi ni Hiyasmin at humalik sa nanay at tatay ni Dax.

“Aalis na kami, Dax,’’ sabi ng nanay pagkatapos.

“Kaya n’yo pa bang umuwi sa Fairview?’’ tanong ni Dax sa nanay.

“Oo naman. Ikuha mo lamang kami ng taxi. Ma­la­pit lang din naman ang Fairview.’’

“Sige, mag-ingat kayo.’’

Inihatid ni Dax sa labas ang ama’t ina. Eksakto pag­labas nila ay may ba­kanteng taxi. Isinakay niya ang ama’t ina. Mabilis na uma­lis ang taxi.

Pagbalik niya sa loob ay nagpupunas ng mesa si Hiyasmin. Walang pasok si Hiyasmin.

“Ang lakas mo kay Nanay, Hiyasmin, huwag na raw kitang ta­asan sa renta.’’

“Oo nga Sir Dax. Isumbong daw kita kapag hindi mo sinunod ang utos niya.’’

“Nagustuhan ka ni Nanay. Alam mo bang perfectionist ang nanay ko? Hindi yun basta-basta nag-o-okey? Ma­higpit. Pero sa’yo, pasado agad. Puring-puri ka.’’

“Mabilis namang pakisamahan si Nanay.’’

“Nag-iisip nga ako kung sasabihin na ang totoo na hindi ka naman talaga boarder dito. Ano sa palagay mo Hiyasmin? Ipagtapat ko na ba?

Hindi makasagot si Hiyasmin.

“Kung ipagtatapat ko ang nangyari sa’yo, baka makakuha ka ng simpatya sa kanya.”

(Itutuloy)

vuukle comment

HIYASMIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with