^

True Confessions

Hiyasmin (53)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

 Nagising si Dax sa tapik ni Hiyasmin. Na­dama ni Hiyasmin na ma­init ang braso ni Dax. Sinasalabsab ng lagnat.

“Nakaluto na po ako Sir Dax. Dadalhan po ba kita rito o sa mesa ka na kakain?’’

“Sa mesa ako kakain,’’ sagot ni Dax.

“Kaya mo po ba?’’

“Oo.’’

“Nilalagnat ka pa rin po?’’

“Oo.’’

“Pagkatapos mong kumain e iinom ka uli ng gamot.”

Tumango­ si Dax at saka tumayo.

“Tamang-tama mainit ang sabaw ng tinola,’’ sabi ni Hiyasmin. “Kapag nakahigop ka ng sabaw, papawisan ka at mawawala na ang lagnat.’’

Tinungo nila ang kitchen­. Medyo nahihibay sa pag­lakad si Dax.

Dahan-dahan siya nang maupo sa silya. Nasa mesa na ang tinola at kanin.

“Humigop ka ng sabaw. Mahusay yan sa nilalagnat.’’

Kumutsara si Dax ng sabaw. Hinigop. Masarap.

“Okey ang sabaw ah!’’
Napangiti si Hiyasmin.

(Itutuloy)

DAX

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with