^

True Confessions

Hiyasmin (52)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

HABANG nagluluto si Hiyasmin, si Dax ang kanyang iniisip. Mabuti na lang at tinanong niya ito kanina kung ano ang nararamdaman—may sakit pala kaya nakahiga sa sopa. Mula nang tumira siya rito ilang buwan na ang nakararaan ay ngayon lang niya ito nakita na nakahilata sa sopa na parang lambot na lambot. Kaya nagpasya siyang huwag nang pumasok. At ayaw pa nga siyang payagan na mag-absent. Ga-graduate na raw siya at sayang.

Kawawa naman si Sir Dax kung iiwan niyang may sakit. Walang ­magluluto para rito. Tiyak na hindi makakapagluto dahil masamang-masama ang katawan.

Ngayon na nga lamang siya makagaganti sa kabutihan ni Sir Dax kaya nagpasya siyang hindi pumasok. Mas mahalaga pa ba ang pagpasok kaysa kalagayan ni Sir Dax? Sa laki nang naitulong sa kanya ni Sir Dax ay kahit isang linggo siyang mag-absent ay gagawin niya. Paglilingkuran niya ito.

Nagulat siya nang ­biglag kumilos ang takip ng kaldero. Kumukulo na ang sinaing. Malapit na ring maluto ang tinola. Maya-maya ay puwede na niyang pakainin si Sir Dax. Kapag nakahigop ng sabaw ng tinola si Sir Dax ay manunumbalik na ang lakas nito. Pampalakas ang sabaw ng tinolang manok, ayon sa isang doktor na sinusubaybayan niya sa YouTube.

Nang maluto ang kanin at tinola ay naghain na siya.

Saka tinungo si Dax. Tulog ito.

Tinapik niya para ­magising.

(Itutuloy)

vuukle comment

TRUE CONFESSION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with