^

True Confessions

Hiyasmin (46)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

Hindi halos humihinga si Dax habang nagkukuwento si Hiyasmin tungkol sa superbisor na Chinese na gagawan siya ng kahalayan. Dadakmain na raw ng Chinese ang kanyang boobs pero mabilis niyang natabig ang kamay nito.

“Pagkatapos kong tabigin ang kamay ng manyakis na superbisor ay mabilis akong lumabas sa opisina nito. Nagtatakbo po ako pa­tungo sa aking departamento,’’ sabi ni Hiyasmin.

“Hindi ka hinabol ng Chinese?’’ tanong ni Dax.

“Hindi po.’’

“Pagkatapos anong ginawa mo?’’

“Hindi na po ako pumasok kinabukasan. Yun po ang huli kong job bago ko po ikaw nakilala Sir Dax.’’

“’Yun nga ay dahil sa nalaglag mong company ID?’’

“Opo.’’

“Parang teleserye talaga ang buhay mo ano?’”

“Oo nga po.’’

“Marami kang pinagda­a­nang masasalimuot at ka­­gimbal-gimbal na karanasan.’’

“Opo. At siguro po, wala nang kasunod ang mga karanasang iyon dahil nakilala ko ikaw na wagas ang pagtulong sa akin.”

Napangiti lang si Dax.

“Kaya ang maigaganti­ ko sa kabutihan mo sa akin ay mag-aaral akong mabuti para hindi masayang ang ginagastos mo sa akin.’’

Napatangu-tango si Dax.

(Itutuloy)

vuukle comment

DAX

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with