^

True Confessions

Hiyasmin (38)

Ronnie Halos - Pilipino Star Ngayon

“BAKIT naging Hiyasmin?’’ tanong ni Dax.

“Sabi po ni Mama mas maganda raw ang tunog ng Hiyasmin kaysa Yasmin lang.’’

“At siguro para tunog Filipino word—hiyas?’’

“Siguro po.’’

“Bagay naman sa’yo ang name mo.’’

“Sabi nga po. Pati raw sina Lolo at Lola ay nagandahan sa pangalan ko.’’

“Nang ipanganak ka sino ang mga nakaalam?’’

“Sina Lolo at Lola po. Tuwang-tuwa nga raw po sina Lolo at Lola nang ipanganak ako.”

“Nasaan na ang mga lolo at lola mo?”

“Patay na po sila pareho. Kaya nga po nabago ang takbo ng buhay ko. Kung buhay sila, hindi sana nagulo ang buhay ko. Dati po kasi talagang kina Lolo at Lola ako nakatira. Pero nang mag-asawa si Mama, dun na po nagsimula ang kalbaryo.’’

“Mga anong age ka nang mag-asawa ang mama mo?’’

“Mga 5 or six years old po ako. Pumapasok na ako sa kinder nun. Si Lolo po ang naghahatid sundo sa akin sa school.’’

“Nang mag-asawa ang mama mo, isinama ka niya sa bagong tirahan?’’

“Hindi pa po. Ayaw akong ibigay nina Lolo at Lola kay Mama. Hindi raw ako madadala ni Mama. Pero namatay nga po sila. Halos magkasunod na namatay. Kaya, naisama ako ni Mama sa bahay ng asawa niya. Dun po nagsimula ang kalbaryo ko.’’

Itutuloy

vuukle comment

HIYASMIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with