^

True Confessions

Hiyasmin (37)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“Ano raw ang naging reaksiyon ng mga parents ng mama mo nang umuwi siyang buntis?’’ tanong ni Dax kay Hiyasmin. Naging interesado na siya sa pinagmulan ni Hiyasmin. Kakaiba ang istorya ng buhay ng babaing kinupkop niya.

“Wala naman daw pong sinabi. Ang nanay ni Mama—si Lola ay napaiyak daw po, Si Lolo raw ay walang sinabi. Sabi ni Mama wala siyang narinig na paninisi mula kina Lolo at Lola. Naawa pa nga raw po ang mga ito sa kanya.’’

“Nang ipagbuntis ka ng mama mo, anong nangyari?’’

“Nahirapan daw po si Mama sa pagbubuntis sa akin. Pero kinaya raw po niya ang kalagayan. Sabi ni Mama, gusto raw niyang isilang nang maayos ang nasa sinapupunan. At kuwento pa ni Mama, ni minsan daw ay hindi pumasok sa kanyang isipan na ilaglag ang sanggol na nasa sinapupunan. Hanggang sa manganak po siya at labis daw ang kanyang kaligayahan nang makita ang sanggol—ako nga po ang sanggol na yun.’’

“Nalaman ba ng mga kapitbahay ng mama mo ang nangyari—I mean nalaman na buntis siya nang umuwi mula Kuwait.’’

“Sabi po ni Mama, nalaman daw po. Pero hindi raw ikinahiya iyon ni Mama. Sabi niya, mas itago ang nangyari ay lalong pagtsitsismisan kaya mas maganda kung ilantad na.

At lumipas daw po ang mga araw, buwan at taon na naging pangkaraniwan na lamang ang lahat. Hanggang sa lumaki ako at kinatuwaan pa nga raw ng mga kapitbahay naming—cute daw ako—mukhang Arabo.’’

Napangiti si Dax.

“Baki Hiyasmin ang pinangalan sa’yo?’’

“Ang Yasmin daw po kasi ay name ng babaing amo ni Mama sa Kuwait.’’

(Itutuloy)

vuukle comment

DAX

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with